Saturday, February 20, 2010

pamamanhikan news

Oh yeah. We booked several suppliers already without the official pamamanhikan. It's nothing new nowadays, db? Unless both your families are really REALLY traditional. Our parents already did met (except nga for Mark's dad who's overseas) when we booked the church. Isang buong barangay kame nagpunta sa simbahan.

Anyway, I told the news to my parents over breakfast.

Me: mamamanhikan na daw sina Mark next month.
(silence)
Dad: andito na ba dad niya?
Me: wala pa. yung tito niya nalang daw proxy.
(silence)
Mom: ay daddy, sale pala yung mga carpets sa SM! (excited siya bigla)
Dad: sang SM, Makati?
Mom: oo, sa may Glorietta. ang gaganda ng display nila, kaso yung gusto ko 40% off lang.
Dad: magkano ba?
Mom: 4k.
Dad: ang mahal naman!
Mom: yun na kaya price ng carpets ngayon! yung mga tig-1k, doormat lang (haha!)

Oh-kay.
Mas na-excite sila sa carpet. :P


(mom while cooking na)
Mom: anung oras daw sila pupunta?
Me: lunch daw.
Mom: anu iluluto ko? kumakain ba sila tacos?
Me: magdadala daw sila food. siguro.
Mom: kelangan na naten bumili ng carpet. (taas kilay ko)

Talk about late reactions.

3 comments:

  1. its all about the carpet.... talbog ang pamamanhikan news mo... wahahaha.. anyway, guilty din kmi dyan.. namanhikan kmi wen everything is set na.. hahaha

    ReplyDelete
  2. anlabo kausap noh? nung sinabi ko din na ikakasal na 'ko, dedma lang.. :P parang hindi pa nagsi-sink in sa kanila.. :P

    ReplyDelete
  3. hahahha! dadating din un.. pag dating ng time na nag sink in sa knila na ikakasal ka... caught on cam ang moment.. wahahhaha

    ReplyDelete